Saturday, April 11, 2009

Old Age

Sa Aking Pagtanda
By Rev.Fr. Ariel F. Robles

This is my last "dramatic" post. Real stuff about me will be next week. :] It's only my respect for the holy week. My teacher read us this story and I liked it so I searched it online. Use the google translator if you don't understand it. It's in Filipino by the way. It's not accurate so just look for the english version in the net. I do not OWN this story.
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako
at pagpasensyahan. Kapag dala ng
kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng
pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag
kainan, huwag mo sana akong kagagalitan.
Maramdamin ang isang matanda.
Nagse-self-pity ako sa tuwing sisigawan
mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at
hindi ko maintindihan ang sinasabi mo,
huwag mo naman sana akong sabihan ng
“binge!” paki-ulit nalang ang sinabi mo
o pakisulat nalang. Pasensya ka na,
anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na tuhod ko,
pagtiyagaan mo sana akong tulungang
tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo
noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako
man ay nagiging makulit at paulit ulit
na parang sirang plaka. Basta pakinggan
mo nalang ako. Huwag mo sana akong
pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.
Natatandaan mo anak noong bata ka pa?
kapag gusto mo ng lobo,paulit-ulit mo
‘yong sasabihin, maghapon kang
mangungulit hangga’t hindi mo nakukuha
ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang
kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang
aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa.
Huwag mo sana akong piliting maligo.
Mahina na ang katawan ko. Madaling
magkasakit kapag nalamigan, huwag mo
sana akong pandirihan. Natatandaan mo
noong bata ka pa? Pinatyagaan kitang
habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw
mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung
madalas, ako’y masungit, dala na marahil
ito ng katandaan. Pagtanda mo,
maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang panahon,
magkwentohan naman tayo, kahit sandali
lang. inip na ako sa bahay, maghapong
nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy
ka sa trabaho, subalit nais kong malaman
mo na sabik na sabik na akong
makakwentohan ka, kahit alam kong hindi
ka interesado sa mga kwento ko.
Natatandaan mo anak, noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kong pakinggan at
intindihin ang pautal-utal mong kwento
tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na
ako’y magkakasakit at maratay sa banig
ng karamdaman, huwag mo sana akong
pagsawaan alagaan. Pagpasensyahan mo na
sana kung ako man ay maihi o madumi sa
higaan, pagtyagaan mo sana akong alagaan
sa mga huling sandali ng aking buhay.
Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking
pagpanaw, hawakan mo sana ang aking
kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob
na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag
kaharap ko na ang Diyos na lumikha,
ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka
sana … dahil naging mapagmahal ka sa
iyong ama’t ina…
Of course I haven't experienced this yet for my parents are only in their mid 40's. But I already feel guilt because I have been bad to them. I don't know when will God take them away from me. My mom has Mayoma and my dad is a bit obese. So I'll pray that my parents will stay longer in this world so that I can do good things to them. :]

2 comments:

  1. nabasa ko na to somewhere?? wooow.. kaawa tlga :(.

    [na link na nga pala kita.]

    ReplyDelete
  2. yes, i know. I feel very sad for the parent too :[

    ReplyDelete